Hanggang nagyon single pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat ko itong ikahiya o ipagmalaki. Minsan nahihirapan akong sagutin ang mga tanong. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ako ang pinakamaganda. Hindi rin naman ako ang pinakapangit. Pero hinahayaan ko pa rin ang sarili kong magtanong. What’s wrong with me?
Nagbasa ako ng ilang mga tips kung paano ba magugustuhan ng mga lalaki. At ang pinaka magandang nabasa ko ay ang payong ” DO the things that make you happy” Ito raw kasi ang pinakamabilis na paraan para maipakita mo ang tunay na ikaw. Ang tunay na kagandahan at talento mo.
AT ANG TUNAY NA AKO?
-HINDI AKO MAHINHIN, pero hindi rin ako pakarang babae. Marami akong alam sa sex, pero hindi ibig sabihin non handa kong buksan ang karinderya sa lahat ng gustong kumain. Handa kong ipakita ang nararamdaman ko sa taong mahal ko, pero hindi ibig sabihin non handa kong ipagsiksikan ang sarili ko
-AMBISYOSA AKO, marahil nagdadaan ang lahat sa pangngarap, at hanggang ngayon hindi pa rin ito natatapos para sa akin. Marami akong gusto, yumaman, kumanta, maging sikat. Gusto kong lumipad at maging high sa pangangarap at sa pagtupad ng mga iyon.
-MASYADONG MAPAGMAHAL, to the extent na kaya kong i-sacrifice ang sarili kong kasiyahan, laliu na sa ibang tao. Pero hindi pala ako ganun ka-martyr, definitely I will expect something from you. Kya nga siguro marami din akong dissapointments in life. Naalala ko, I have a friend whom I know is more talented and samarter than me, at supportive ako sa mga achievements nya. Pero nung kame na ang pinagtatapat sa lahat ng mga projects, Gawd ayokong isiping competitor ko sya, when Im getting it, gosh di ko alam na gusti rin pala nya yung mga nakukuha ko, and luckily she was able to get it. Dun ko lang nalaman na ang mundo ay isang malaking kumpetisyon.
- SENSITIBO AKONG TAO, kaya naman madali akong lapitan, dahil madalas nararamdaman ko ang nararamdaman ng ibang tao, o madalas ay handa akong i-absorb ang mga sakit nila. Pero bilang isang sensitibo at mapagmasid na tao, may expectations din ako sa mga tunay na kaibigan at kapamilya ko, na sana nararamdaman din nila ang tunay na nararamdaman ko. at Dahil dito, mas madalas akong nasasaktan kaysa nakakasakit.
Eto naman talaga ang gusto ko maging totoo, maging bukas at maging malaya… Itoa ang gusto nating lahat. Ngunit hindi maitatanggi na ang lipunan ang nagiging abatayn ng lahat. Lahat ng tama sa nakararami ay yubn lang dapat. Kaya kung misan gusto ko nalang matunaw. At kung hindi ko man makikilala ang taong makakaintindi at magkokompliment sa aking kakayahan, pag-iisip at mga kagustuhan, malamang sa alamang MAMAMATAY AKONG VIRGIN!